Cargo ship ng North Korea sa Subic Port sa Zambales, hindi pahihintulutang makaalis; mga tripulante, ipadedeport

by Radyo La Verdad | March 8, 2016 (Tuesday) | 2690

MV-JIN-TENG
Bilang pag-alinsunod ng Pilipinas sa ipinataw na sanction ng United Nations sa North Korea dahil sa ballitic missiles test, hindi nito pahihintulatang maka-alis ang MV. Jin Teng na nakadaong sa Subic Bay Free Port.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Assistant Secretary Charles Jose, obligasyon ng Pilipinas na ipatupad ang U-N Security Council Resolution Nos. 2270 na pag-freeze ng mga member state sa lahat ng assets ng North Korea tulad ng carco ship Jin Teng.

“Sa policy level, kami po ang nagbigay ng instruction sa Coastguard na idetain ang Korean vessel na Jin Teng. Tayo po ay responsible member ng international community at kasama tayo sa mga nag-agree dito sa UN Security Counsil Resolution na to kaya we are duty bound na ipatupad ang resolution na to.”
Pahayag ni DFA Assistant Secretary Jose

Ayon pa sa DFA, pagkatapos ng lahat imbestigasyon ay sasailalim sa deportation proceedings ang mga tripulante ng barko.

Sa ngayon ay hindi pinahihintulutan ang mga ito na bumaba ng barko at lumabas ng Subic Bay Freeport.

Ayon sa Philippine Coastguard, sakay ang dalawamput isang North Korean crew, dumaong ang mv jin teng cargo ship dito sa Subic Bay Freeport noong March 3 na may dalang palm kernel expeller na ginagawang feeds sa mga hayop.

Dadalhin muna sa mga warehouse ng Subic ang feeds saka ihahatid sa mga lalawigan ng Central Luzon.

Ayon sa supervisor sa pier ng Subic Bay Freeport Zone tatlong beses nang dumaong ang Jin Teng sa Subic Bay Free Port.

Ayon sa PCG, nakalagay sa sulat na pagmamayari ng isang kumpanya mula sa British Virgin Islands na kung saan ay pinangangasiwaan ito ng isang kumpanya
mula sa China Shandong province.

Hindi rin nakalagay sa dokumento ng Jin Teng na galing ito sa bansang North Korea.

Nitong nakaraang Sabado ay nagsagawa ng inspeksyon ang pcg sa naturang barko at wala namang nakitang kahina-hinalang kagamento.

(Joshua Antonio/UNTV NEWS)

Tags: , ,