Nagsimula na ang virtual medical services ng MyDocNow dito sa Pilipinas noong unang araw ng Marso.
Isang programa kung saan maaari ng itawag ng pasyente sa isang medical practitioner ang kanyang karamdaman.
Ayon kay Mr. Gregory Dunham, Chief Operations Officer ng MyDocNow, subok na ito sa dayuhang bansa at ginagamit ng karamihan dahil sa convenience na dala nito.
Kabilang dito sa MyDocNow ang mga video consultation, comprehensive patient education, remote monitoring mula sa smartphones, delivery ng mga prescription at lab test results.
Sa pamamagitan nito at maaring makapagsilbi ang mga doctor sa mga pasyenteng nasa malalayong lugar kahit pa sa dayuhang bansa.
Ang inisyatibong ito ay inaasahang makatutulong din sa pagdecongest sa mga hospital.
Sa pamamagitan ng pagdownload sa google play at apple store ng mydocnow app ay maaring ma-access 24/7 ang mga nurse na hinasa sa larangan ng telemedicine at humigit kumulang sa isang daang doktor sa buong Pilipinas.
Sa kasalukuyan ay may libreng konsultasyon para sa unang 200 pasyente magpapakunsulta sa telemedicine maaring mag sign up sa www.mydocnow.org o tumawag sa toll free number nilang 1-800-10-835-3633.
Ang mga doctor sa MyDocNow Telemedicine ay available mula Lunes hanggang Byernes mula alas 9 ng umaga hanggang ika-6 ng gabi.
(Joeie Domingo/UNTV NEWS)
Tags: Mydocnow, telemedicine