Pamahalaan kailangan may isang posisyon sa Anti Money Laundering Law- SP Drilon

by Radyo La Verdad | March 8, 2016 (Tuesday) | 12045

FRANKLIN-DRILON
Dapat na may iisang posisyon ang pamahalaan upang maging epektibo ang Anti Money Laundering Law.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, nakahanda ang Senado na amyendahan ang kasalukuyang AMLA Law.

Sinabi ni Drilon na kinapos na ng panahon noon ang Senado upang makumpletoang pagaamyenda sa AMLA dahil sa deadline ng financial action task force noong 2013.

May solusyon namang nakikita ang Chairman ng Committee on Banks Financial Institutions and Currencies na si Senador Serge Osmeña sa kaso ng money laundering sa bansa.

(Bryan de Paz/UNTV NEWS)

Tags: ,