Freighter ng North Korea inimpound ng Pilipinas sa Subic Bay Freeport

by Radyo La Verdad | March 7, 2016 (Monday) | 5007

JIN-TENG-2
Naka-impound ngayon sa Subic Bay Freeport ang freighter ng North Korea na Jim Teng kasunod ng panibagong sanction na ipinataw ng United Nations laban sa naturang bansa dahil sa ginawa nitong nuclear at ballistic missile test kamakailan.

Ayon kay Presidential Communications Development and Strategic Planning Undersecretary Manuel Quezon the third, obligasyon ng Pilipinas na ipatupad ang UN Security Council Resolution 2270 o ang pagsasailalim ng UN member states sa asset freeze sa lahat ng North Korean vessel gaya ng Jin Teng.

Dumating ang Jin Teng, na may dalang palm kernels, sa Subic noong Huwebes ng hapon, ilang oras pagkatapos pagtibayin ng UN security council ang resolusyon

Bilang ganti, anim na short-range missile ang pinakawalan ng Pyongyang sa karagatan at inilagay rin ni North Korean Leader Kim Jong-Un sa pre-emptive attack posture ang kanilang militar.

(UNTV NEWS)

Tags: , ,