Tuloy ang pagpapatupad ng rollback sa pasahe sa bus at mga taxi ngayon linggo.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), buo na ang draft ng desisyon para sa bawas pasahe.
Magkakaroon lamang anya ng deliberasyon ngayon lunes para alamin kung magkano ang ipapatupad na rollback.
Sa petisyon ng Samahang Transport Operators ng Pilipinas o STOP, nais ng mga ito na tapyasan ng piso ang pasahe sa mga bus sa Metro Manila sa unang apat na kilometro.
Pumayag na rin ang Philippine National Taxi Operators Association na gawin permanente na P30 mula sa kasalukuyang P40 ang flag down rate ng mga taxi.
Nauna ng nagpatupad ang LTFRB ng P10 provisional rollback sa flag down rate sa mga taxi.
(UNTV RADIO)
Tags: Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Philippine National Taxi Operators Association, Samahang Transport Operators ng Pilipinas