80% ng mga Pilipino, sang-ayon sa pagpapatuloy ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program

by Radyo La Verdad | March 6, 2016 (Sunday) | 3123

4PS's
Lumabas sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Stations o SWS na 80% o apat sa limang Pilipino ang nagsabi na iboboto nila ang kandidato na magpapatuloy ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Isinagawa ang non-commissioned poll ng SWS noong February 5 hanggang 7 sa 1,200 voters.

Ang 4Ps, na kilala rin bilang Conditional Cash Transfer o CCT Program ay layong magkaloob ng social assistance sa pamamagitan ng pagbibigay ng perang ayuda sa para sa pagkalusugan, edukasyon at iba pa ng mga pinaka-mahihirap na Pamilyang Pilipino sa buong bansa.

Lumabas pa sa SWS survey na tatlo mula sa limang Pilipino ay susuporta sa kandidato na isusulong ang full implementation ng Reproductive Health Law, pagsasabatas ng Freedom of Information Bill at pagpapatuloy ng “Daang Matuwid.”

Samantala, 59 percent sa respondents ang nagsabi na kakatigan nila ang isang kandidato na magre-reimpose ng death penalty para sa heinous crimes.

31 percent naman ang sumagot na susuporta nila ang isang kandidato na magsasabatas ng Bangsamoro Basic Law o BBL; habang 47 percent para sa Presidentiable na magtatanggol sa karapatan ng lesbians, gays, bisexual and transgenders o LGBT; 47 percent, pagsasabatas ng Anti-Political Dynasty Law; 34 percent, enactment ng Divorce law; at 19 percent para sa enactment ng batas na nagpapahintulot ng foreign ownership ng mga lupain sa Pilipinas.

(UNTV RADIO)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,