Isang US resident na bumisita sa Pilipinas noong Enero ang nag-positibo sa Zika Virus.
Sa ulat na ipinadala ng US Center for Disease Control sa Department of Health ang pasyente ay isang ‘non-pregnant adult’ o hindi buntis, pero nagkasakit noong huling linggo niya sa Pilipinas.
Nasa Amerika na muli ang pasyente, na hindi na pinangalanan.
Nakitaan din na ang pasyente ng Zika symptoms mula noong January 2 hanggang 18.
Dahil dito tinutunton na ng mga otoridad ng Pilipinas at US ang mga lugar na binisita ng biktima at magsagawa ng mga hakbang upang mapigilan o makontrol ang virus.
Tiniyak naman ng DOH na walang outbreak ng Zika virus sa Pilipinas
(UNTV RADIO)
Tags: zika virus