Ipinahayag ng mga tindera ng sigarilyo na hindi umano mababawasan ang mga bumibili ng mga sigarilo hangga’t patuloy sa pag-ooperate ang mga pabrika nito.
Ayon kay Jeselyn na matagal ng tindera ng sigarilyo, Wala umanong epekto ang mga graphic health warnings hangga’t mayroon pa ring mga binebentang sigarilyo.
Katuwiran ng mga naninigarilyo, kahit naman itaas pa ang halaga ng sigarilyo sa isang daang piso ay bibili sila hangga’t may mga sigarilyo pa rin sa merkado malibang ipasara ang mga pabrika na gumagawa ng sigarilyo.
Ayon naman kay Mang Saturnino Rasonabe, hindi suya naninigarilyo dahil alam nina ang epekto nito sa kalusugan ng isang tao.
Wala daw epekto ang mga graphic heath warnings malibang iwan na ng tuluyan ng isang tao ang kaniyang bisyo sa paninigarilyo at ispin ang ikabubuti niya.
Sinimulan na kahapon ang pag-imprenta ng mga bagong disenyo sa mga pakete ng sigarilyo na inaasahang mailalabas sa susunod na buwan.
Ito ay alinsunod sa Republic Act 10643 o Graphic Health Warnings Law kung saan nakalagay na limampung porsyento o kalahati ng ibabang bahagi ng bawat pakete ng sigarilyo ay dapat mayrooong Graphic Health warnings.
Ang bawa’t pakete ay kailangang may mga litrato at hindi lamang text based design ng masasamang epekto ng Paninigarilyo sa kalusugan ng tao.
Layon nito na mabiglang babala ang publiko sa pinsalang maidudulot ng paninigarilyo sa kalusugan ng tao.
(Aiko Miguel / UNTV Radio Correspondent)
Tags: mas epektibong paraan, mga naninigarilyo, mga pabrika ng sigarilyo