Kampanya kontra sakit na filariasis o elephantiasis, isinusulong ng DOH sa Eastern Visayas

by Radyo La Verdad | March 4, 2016 (Friday) | 3104

JENELYN_DOH-VIII
Patuloy na isinusulong ng Department of Health ang kampanya nito kontra filariasis sa Eastern Visayas.

Ayon sa DOH, noong 2014 ay idineklara ang Eastern Visayas bilang kauna-unahang rehiyon sa bansa na filariasis free.

Ngunit sa isinagawang mapping ng medical technologist o filariasis elimination team, may nakita pang mga lamook na microfilaria carrier sa rehiyon.

Ang lymphatic filariasis ay nagmumula sa microscopic worms na nagmumula sa kagat ng lamok.

Kabilang sa sintomas ng sakit na ito ay mataas na lagnat, panginginig at hirap sa pag-ubo.

Tinatawag rin itong elephantiasis dahil nakakaranas ang biktima ng pamamaga ng kamay, dibdib at hita gayundin sa ilang maseselang bahagi ng katawan.

Noong nakaraang taon may naitalang isang kaso ng filariasis sa Libagon, Southern Leyte.

Hinikayat naman ng DOH ang publiko na huwag magatubiling pumunta sa mga health center at humingi ng gamot panlaban sa sakit na filariasis.

(Jenelyn Gaquit / UNTV Correspondent)

Tags: , ,