Western Visayas Region, hindi na kabilang sa illegal logging and cutting hotspots sa bansa

by Radyo La Verdad | March 4, 2016 (Friday) | 2121

LALAINE_WESTERN-VISAYAS
Mahigpit ang kampanya ng Western Visayas kontra ilegal na pamumutol ng troso kaya naman halos isang taong nang illegal logging and cutting free ang buong rehiyon.

Ito ay dahil mahigpit ang pagbabantay ng anti-illlegal logging task force na kinabibilangan ng DENR, Philippine National Police, Philippine Army, Department of Interior And Locale Government at ilang pribadong sektor.

Simula noong June 2015 hanggang sa kasalukuyan, wala ng naitalang kaso ng illegal logging at cutting ang DENR Region VI kahit may mga ilang probinsya na nagluluwas ng produktong uling at troso.

Ang illegal logging ay ginagamitan ng chain saw, bulldozer at malalaking truck.

Samantalang illegal cutting naman kung manual ang pagputol gamit ang axe o maliliit na chain sa mga trosong nasa plantasyon at pampublikong lugar.

Inaasahan naman ng DENR na malaki ang maitutulong ng malawak na kagubatan sa epekto ng El Niño at kakulangan ng suplay ng tubig sa rehiyon.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: , ,