Ipinag-utos ni North Korean Leader Kim Jong Un na ihanda ang mga nuclear weapons ng bansa na maaaring gamitin anumang oras.
Inilagay rin sa pre-emptive attack posture ang military sa harap ng lumalaking banta ng mga kaaway.
Ayon sa ulat ng KCNA News Agency ang pahayag ay ginawa ni Kim habang dumadalo sa isang exercise ng mga bagong multiple rocket launchers.
Ayon kay Kim, ito umano ang paraan para protektahan ang North Korea laban sa Amerika.
Kahaponay naglunsad ng mga short-range missiles ang Pyongyang.
Ang panibagong probokasyon ng North Korea ay kasunod ng pag-adopt ng United Nations Security Council ng resolusyon na nagpapataw ng panibagong sanction laban sa North Korea.
Ayon sa UN, ito na ang pinakamatinding sanction na ipinataw sa North Korea.