Sa kulungan bumagsak ang isang lalaki matapos nakawan ang isang Indian national sa Brgy.82 Tondo, Manila kahapon.
Nakilala ang suspek na si Wilbert Cruz alyas “Ulo” 27 anyos na miyembro ng Sputnik gang.
Makikita sa kuha ng CCTV ang pagparada ng motor ni Arun Kumar, 54yrs old, Indian national sa Brgy.82 Dandan Street.
Ilang sandali lamang kinuha ng mga suspek ang mga paninda nito at naglakad na palayo subalit nagsisisigaw umano ang biktima na agad namang nakaagaw pansin sa mga residente, mga tanod at pulis na rumoronda sa lugar na dahilan ng pagkahuli nito.
Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad taong 2008 ng nakulong na rin ang suspek dahil sa kasong pagnanakaw at ayon sa Brgy.82 February 24 taong kasalukuyan muling naireport sa salang panghoholdup sa isang Indian national subalit ito ay hindi nagsampa ng kaso.
Samantala itinurn-over sa General Assignment and Investigation Section ng MPD ang suspek upang masampahan ng kaukulang kaso.
Samantala hinihikayat naman ng mga otoridad ang iba pang nabiktima ng suspek na magsampa ng reklamo.
(Reynante Ponte / UNTV Radio Correspondent)
Tags: CCTV, isang Indian national, pagnanakaw
Porac, Pampanga – Inilabas na ng Police Regional Office 3 ang kopya ng cctv footage ng Chuzon supermarket sa kasagsagan na tumama ang 6.1 magnitude na lindol noong Lunes.
Sa isang video, makikita ang groundfloor ng gusali kung saan naroroon ang supermarket.
Sa lakas ng pagyanig nagtumbahan ang mga paninda mula sa estante at nagtakbuhan palabas ang mga empleyado.
Nakunan naman sa ikalawang video, ang second floor ng gusali na nagsisilbing opisina ng mga empleyado.
Sa tindi ng pag-uga, bumagsak at nawasak ng buo ang ikalawang palapag ng gusali sa groundfloor.
Ayon kay Pampanga Provincial Police Director Colonel Jene Fajardo, malaking tulong sa kanila ang kopya ng cctv, upang makumpirma na wala nang taong naiwan pa sa loob ng gusali.
“Sabi ko nga it would have been a different story marami po tayong casualty kung ang building po ay bumagsak ng flat po,ang nangyari duon paforward bumagsak pasulong kaya naispare ang mga tao sa supermarket” ayon kay Pampanga Provincial Police Director Colonel Jene Fajardo.
Kahapon ay napasok na ng mga rescuer ang groundfloor ng supermarket at kinumpirmang wala nang katawan na naipit duon.
“Ang nandun sa area talagang magkakadikit yung mga flooring po mula sa taas nakarating yung flooring ng 3rd floor pababa dun sa ground literaly ang kagandahan lang is yung ito lang area na ito ang bumagsak, yung supermarket area po buo yun hindi yun bumagsak kaya yung mga mga fear namin nun na mga customer na natrap na confirm po na wala kasi yung supermarket sa bandang likod hindi nagalaw except sa nga bumagsak na paninda” ani Pampanga Provincial Police Director Colonel Jene Fajardo.
Bagaman wala nang nakikitang senyales na may buhay pa sa ilalim ng gumuhong supermarket, tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue at clearing operations sa lugar.
“Lahat po ng equipment na possible na gamitin to detect life and then yung cadaver kasi we are on our 4th day kung mayroon po tayong natrap diyan na patay sobrang mabaho na po at wala po tayong nadedetect ngayon even yung k-9 nag concentrate sa area kung saan naiwan po yung legs ng ating first survivor” pahayag ni Pampanga Provincial Police Director Colonel Jene Fajardo.
Samantala tiniyak naman ng may ari ng chuzon supermarket na hindi nya tatakasan at handang harapin ang mga kasong posibleng isampa laban sa kanya.
Ayon kay Police Regional Office 3 Deputy Director for Operations PSSUPT. Rhoderick Armamento, nakausap na nila si mr. Samuel chu at patuloy ang kanilang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.
“Yung abugado naman nya is also in constant coordination dun sa ating team na nagsasagawa ng imbestigasyon,from day 1 sinabi naman nya na hindi sya magtatago tutulong din sya infact dun sa mga naapektuhan”. Ayon kay Police Regional Office 3 Deputy Director for Operations PSSUPT.Rhoderick Armamento
Samantala, Napagalaman ng mga otoridad na mayroong 9 na branch ang chuzon supermarket. 5 sa mga ito ay matatagpuan sa pampanga, habang ang iba naman ay nakapwesto sa Tarlac at Bataan.
(Joan Nano | Untv News)
Tags: CCTV, earthquake, Pampanga
Ika-11 ng Setyembre, pasado alas nuebe ng gabi nang makunan ng CCTV ang isang puting van na umaaligid sa bahay ni Senator Antonio Trillanes IV.
Ayon sa Senador, kaduda-duda ang naturang sasakyan dahil dalawang beses itong nagpaikot-ikot sa kanilang bahay.
Sa isa pang kuha ng CCTV, makikita na ibinaba pa ng driver ang bintana ng sasakyan upang tignan ang bahay ng senador.
Ayon kay Senador Trillanes, pina-iimbestigahan na nila ang naturang sasakyan, at sinabing malinaw na harrasment ito sa kaniya at sa kaniyang pamilya.
Pinaiimbestigahan na ng kampo ng senador ang insidente, at hawak na rin nila ang plate number at pangalan ng may-ari ng naturang sasakyan.
Pero ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bunga lamang ito ng labis na pagdududa ni Trillanes.
Samantala, handa naman umanong magtungo sa Davao City si Senator Trillanes upang harapin ang kasong libel na isinampa laban sa kanya ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.
Nanindigan ang senador na hindi siya natatakot sa kabila ng banta ng posible pag-aresto sa kanya matapos na bawiin ni Pangulong Duterte ang kaniyang amnesty.
Sa ngayon ay pinaghahandaan na ng legal team ni Trillanes ang mga hakbang na kanilang gagawin kaugnay ng kasong libel na kinaharap ng senador.
( Joan Nano / UNTV Correspondent )
Tags: CCTV, Pangulong Duterte, Senador Trillanes
Malaking hamon sa Department of Agriculture kung paano pagagandahin ang imahe sa publiko ng National Food Authority (NFA).
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ngayon naibalik na sa Department of Agriculture (DA) ang pamamahala sa NFA, maglalagay ito ng mga pamamaraan para mawala ang hinala ng kurapsyon sa ahensya.
Ilan aniya sa mga naglalabasang isyu ay ang pagrerepack ng mga NFA rice para ibenta bilang commercial rice.
Ayon kay Piñol, maglalagay na ngayon ng mga CCTV sa mga bodega ng NFA para makita ang mga naglalabas-masok.
Kakabitan din ng GPS tracking device ang mga delivery trucks para malaman ang mga ruta.
Target din ng NFA na gawing hanggang 2 buwang konsumo ng buong bansa ang imbak nitong bigas mula sa dating 30 araw lang.
Ito’y upang mas mapaghandaan pa ang supply ng bigas lalo na kapag may mga kalamidad na tatama sa bansa. Paiigtingin pa ng NFA ang pamimili ng palay sa mga lokal na magsasaka.
Pag-aaralan pa kung magtatayo ng mga bagong bodega o uupa nalang dahil hanggang pang 22 araw lang ang kayang iimbak ngayon ng mga NFA warehouses.
Bubuo naman ng grupo ang DA at DTI para pag-aralan ang presyuhan ng bigas sa bansa.
Ayon sa DA at DTI, walang suggested retail price ngayon ang bigas kaya’t walang basehan ang mga mamili sa mga presyo nito.
( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )