Ang Queshm at Kish ay mga lugar na sakop ng Iran kung saan maraming expats ang nag e-exit dahil ito ang pinaka malapit at pinaka affordable na lugar upang mamalagi habang naghihintay ng visa patungo sa UEA.
Ayon sa datus ng pamahalaan noong February 2015, tinatayang aabot sa 3000 filipino ang nag-exit sa Kish Island sa Iran, sa Al Buraimi at Khasab sa Oman.
Sa kasalukuyan ay marami pang kababayan natin ang nanatili Kish at Quesm na naghihintay ng kanilang mga visa.
Kaya naman nanawagan sila sa kanilang mga ahnesiya na gawan ng paraan na makapunta sa UAE upang makapag-trabaho na o makauwi sa Pilipinas.
Ayon sa konsulado simula pa noong January 1 ay hindi na kinakailangan na mag exit sa Kish Queshm o sa Oman ang isang expat sa bansa upang magkaroon ng bagong visa.
Sa halip ay pinagbabayad nalang ng tinatayang 570 dirhams o 6,840 pesos para sa bagong visa.
Sa ngayon ay patuloy ang pakikipag-ugnayan ng konsulado ng Pilipinas sa Dubai sa embahada ng Pilipinas sa Tehran sa Iran upang patuloy mamamonitor ang kalagayan ng ating mga kababayan sa Kish at Queshm.
Isa sa pinangangambahan ng mga Pilipino sa Kish ay ang mga isyung lumalabas tungkol sa usapin ng bansang Iran at Saudi kaya naman nagpahayag ang konsulado na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa DFA.
( Anna Maravilla/UNTV NEWS)