Spillover ng sagupaan sa pagitan ng militar at MILF sa Lanao del Norte, hindi mangyayari sa Davao City – 10th ID

by Radyo La Verdad | March 4, 2016 (Friday) | 1781

Captain-Rhyan-Batchar
Tiniyak ng mga awtoridad sa pangunguna Ng East Mindanao Command na hindi mangyayari sa kanilang area of responsibility, ang pinangangambahang spillover ng sagupaan ng militar at Moro Islamic Liberation sa Lanao del Norte.

“But as of now there is nothing to worry about. We have heard a lot of casualties in the area of Lanao but ditosa area natin, we are still safe.” 10th Infantry Division Spokesperson Captain Rhyan Batchar

Sinabi pa ni Batchar na patuloy rin nilang binabantayan ang mga galaw ng armed groups, gaya ng New People’s Army.

Iniulat rin nito na noong ika-26 ng Pebrero ay nakarecover sila ng mga improvised explosive device sa isang area sa Maragusan, Davao del Norte.

Habang dalawang M-16 rifles at isang garrand rifles naman ang narecover noong ika 28 ng Pebrero sa Sitio Sika-A Bgy. Ngan sa tulong pa rin ng mga sibilyan.

Samantala inihayag din ng Spokesperson na nagsagawa ng sariling fact finding mission ang ilang Human Rights Group noong ika 23-24 ng Pebrero sa pangunguna ni Hanimay Suazo sa kabila ng sinabi ng militar na hindi pa ligtas ang pagpunta sa Pantukan, Compostella Valley.

Ito ay ukol sa umano’y mga insidente ng human rights violation.

Ayon kay Batchar nagsasagawa rin sila ng sariling imbestigasyon, at siniguro na kung may mapatutunayang lumabag sa mga karapatang pantao sa kanilang mga kasamahan ay pananagutan nila ito.

(Joeie Domingo/UNTV NEWS)

Tags: ,