5 dating kongresista, nahanapan na ng sapat na basehan ng Ombudsman upang kasuhan kaugnay ng PDAF scam

by Radyo La Verdad | March 4, 2016 (Friday) | 2109

OMBUDSMAN
Nakanahap na ng probable cause o sapat ang Office of the Ombudsman para kasuhan ang limang dating kongresista kaugnay ng pork barrel scam.

Kabilang sa pinakakasuhan ng Ombudsman ng graft, malversation at direct bribery sina dating Muntinlupa Rep. Rufino Biazon, dating Oriental Mindoro Rep. Rodolfo Valencia, dating Davao del Sur Rep. Marc Douglas Cagas IV, dating Davao del Norte Congressman Arrel Olaño at dating South Cotabato Rep. Arthur Pingoy.

Kasama rin sa kakasuhan ang mga opisyal ng Department of Budget and Management, ilang implementing agencies, at representatives ng Non Government Organizations o NGO’s kabilang si Janet Napoles.

Sa magkalahiwalay na resolusyon ng Ombudsman sinabi nitong dineny na nito ang motion for reconsideration na inihain ng mga akusado.

Sa naging imbestigasyon ng Ombudsman, napag-alamang inendorso ng mga dating kongresista ang kani-kanilang Priority Development Assistance Fund o PDAF sa mga NGO na hindi nagimplementa ng mga proyekto kapalit ng kumisyon.

1.95 million pesos ang nakuha umano ni Biazon sa PDAF scam, 2.4 million naman ang kay Valencia, 5.5 million ang kay Cagas, 3.1 million kay Olanio at 7 million kay Pingoy.

Tumanggi naman magbigay ng pahayag si Biazon hinggil sa kaso habang hindi pa nagsasalita ang ibang dating kongresista.

Sa ngayon ay inaabangan pa kung kailan maisasampa ang mga kasong ito sa Sandiganbayan at kung saan division mapupunta.

(Joyce Balancio/UNTV NEWS)

Tags: ,