Money laundering activities sa bansa, nakatakdang imbestigahan ng Senado sa susunod na linggo

by Radyo La Verdad | March 4, 2016 (Friday) | 5865

SERGE-OSMENIA
Bubusisiin ng Senado sa martes ang Anti-Money Laundering Law.

Ayon kay Senador Serge Osmeña the third na may-akda ng Anti Money Laundering Law kasama sa resource persons ang Anti Money Laundering Council at ilang bangko.

Ayon kay Senador Osmeña taong 2001 ng maging batas ang AMLA.

Una itong inamyendahan noong 2003, ikalawang inamyendahan noong 2012.

Kasabay nito nagkaroon rin ng sister bill na ipinasa ang senado na tinawag na Terrorism Financing Prevention and Supression Act noong 2012.

At noong 2013 inamyendahan muli ang amla law sa pagnanais na palakasin ito at maalis ang bansa sa blacklist ng Financial Action Task Force.

Ayon kay Sen. Osmeña si dating Senate President Juan Ponce Enrile ang nagmungkahi na huwag munang saklawin ng AMLA Law ang mga casino lalo’t baguhan ang karamihan dito.

Ngunit dahil sa pangyayari ngayon ay wala ng dahilan upang sabihin ng mga casino na baguhan pa lang sila at malabong makapasok ang money laundering.

Kaya’t sa susunod na kongreso ay isusulong na ang pagamyenda sa AMLA Law at isasama na ang casino, real estate at art auction o dealers.

Samantala ayon kay Senador Osmena paiimbestigahan rin naman sa Senate Blue Ribbon Committee ang napaulat sa isang pahayagan na tumanggap na halos isang bilyong piso mula sa casino si dating PNP Chief Alan Purisima.

(Bryan de Paz/UNTV NEWS)

Tags: ,