Pagbibigay ng performance-based bonus sa SSS officials, kinukwestyon ng ilang mambabatas

by Radyo La Verdad | March 4, 2016 (Friday) | 1174

NERI-COLMENARES
Plano ni Bayan Muna Representative Neri Colmenares na maghain ng oposisyon sa Governance Commission for Government Owned and Controlled Corporations kaugnay ng pagbibigay ng performance bonus sa mga opisyal ng Social Security Sytem.

Sa Mayo o Hunyo ay inaasahang ibibigay ang PBB sa mga opisyal at empleyado ng GOCC base sa naging kabuuang performance ng ahensya.

Ayon naman sa Chairman ng Senate Committtee on Banks, Financial Institutions and Currencies Senator Serge Osmena, hindi magandang timing ito lalo na at na-veto ni Pangulong Aquino ang proposed 2,000 pension increase.

Una na ring sinabi ng SSS na hindi rin dapat sila kwestyunin sa naturang isyu ng bonus kundi ang governance commission na siyang tumitingin sa nagiging trabaho ng GOCC’s at nagbibigay ng otoridad upang mabigyan ng performance-based bonus.

Sinabi naman ng Malakanyang, hindi naman agad maibibigay ang naturang bonus dahil kailangang dumaan muna ang SSS sa performance standards ng GCG.

(Nel Maribojoc/UNTV NEWS)

Tags: , ,