Pagpapasinaya sa ilang proyekto ng pamahalaan at turnover sa mga rehabilitated heritage site sa Cebu, pinangunahan ni Pangulong Aquino

by Radyo La Verdad | March 4, 2016 (Friday) | 1725

PNOY
Mahigit isang daan at animnapung pulis ang i-dineploy sa Mandaue City Cebu bilang bahagi ng ipinatutupad na seguridad para sa pagbisita ni Pangulong Benigno Aquino the third.

Pasado alas dos ng dumating ang Pangulo sa Guadalupe Elementary School upang pangunahan ang turnover sa apat na palapag na gusali.

Ang naturang school building na mayroong dalawampung silid-aralan ay ipinatayo bilang bahagi ng silid-aralan project ng matuwid na daan

Ang kabuuan ng proyektong ito ay nagkakahalaga ng P42 million pesos na nagmula sa Philippine Amusement And Gaming Corporation sa pakikipagtulungan ng Department of Education at Department of Public Works and Highways

Layon ng proyektong ito ng administrasyong Aquino na masolusyunan ang problema sa kakulangan sa mga classroom at mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa mga kabataang pilipino.

Ininspeksyon din ni Pangulong Aquino ang mga rehabilitated heritage site tulad ng Fort San Pedro at Basilica Minore Del Sto Nino de Cebu Compound na kabilang sa mga napinsala ng 7.2 magnitude earthquake noong October 2013.

Samantala matapos ang inspeksyon, dumiretso naman ang pangulo sa Mandaue City para sa grand rally ng Liberal Party.

(Gladys Toabi/UNTV NEWS)

Tags: ,