Daang-Daang wild life species, kasama sa endangered list ng DENR

by Radyo La Verdad | March 3, 2016 (Thursday) | 1800

DENR-FACADE
Patuloy na nanganganib na mawala o ma-extinct ang daang-daang libong wildlife species sa bansa.

Ayon sa DENR, nasa 1000 species ang kabilang sa taxa selection o mga uri ng ibon, amphibian, reptiles at mammals.

Mahigit sa 50% nito ngayon ay nasa endangered list na.

Ilan sa pangunahing dahilan kaya’t nanganganib na ma-extinct ang mga ito ay ang illegal wildlife trade at pagkawala ng tahanan.

May potensyal din na gamitin sa sangkap ng gamot ang ilang uri ng mga ito.

Ayon sa DENR, kung hindi mapangangalagaan ang wildlife ay posibleng mawala na ng tuluyan ang mga ito sa loob ng 10 taon.

Samantala, ngayong araw ay ipinagdiriwang ang World Wildlife Day.

Isang elephant sculpture ang itinayo sa loob ng Ninoy Aquino Wildlife Center.

Kasama sa materyales nito ang abo ng 4 na toneladang elephant ivory tusk na nagkakahalaga ng p400m na sinunog noong 2013 bilang pagtutol sa illegal ivory tusk trade.

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

Tags: , ,