Nananawagan ang pamunuan ng Department of Labor and Employment sa mga kabataan na nakatapos na kanilang ng pag-aaral subalit nahihirapan na maghanap ng trabaho na mag-apply sa JobStart.
Ayon kay DOLE Asec Katherine Brineon, layunin ng JobStart na makapagbigay ng 6 months training para sa mga kabataan, depende sa kanilang tinapos at kakayahan upang magkaroon ng sapat na kaalaman at aktuwal na karanasan na magagamit upang mabilis na makahanap ng trabaho.
Aabot naman sa siyamnapu’t limang kabataan ang nakatapos ngayong araw ng kanilang life skills traning matapos ang 6 months period internship ng JobStart.
Umaasa naman ang DOLE na makakatulong ng malaki ang mga kabataang ito sa unti unti ng lumalagong ekonomiya ng Bansa.
(Joms Malulan / UNTV Radio Correspondent)
Tags: college graduate, DOLE, Jobstart, Mga high school, trabaho