Tulong para sa mga apektadong pamilya sa Mandaue-Mactan bridge repair, wala pa rin

by Radyo La Verdad | March 3, 2016 (Thursday) | 1424

GLADYS_REPAIR
Nagsagawa ng inspeksyon sa mga bahay na kailangang i-demolish dahil tatamaan ng pagkukumpuni sa Mandaue-Mactan bridge.

Kasama sa ocular inspection ang Housing and Urban Development ng Mandaue city, DPWH at contractor ng pagre-repair ng tulay.

Batay sa isinagawang inspection, nasa 53 bahay ang maapektuhan ng demolisyon.

Gayunpaman, sinabi ni Tony Pet Juanico ng Housing and Urban Development, problema ito dahil wala pang nakalaang financial assistance at relocation site ang pamahalaan ng Mandaue sa mga maapektuhang residente.

Ngunit ayon kay Juanico, pinag-iisipan na ang gagawing solusyon sa problemang ito ng Mandaue government.

Balak ng Housing and Urban Development Office ng siyudad na kumunsulta sa mga abogado kung ano ang dapat na gawin.

Dahil base sa pahayag ng DPWH, wala itong maibibigay na financial assistance sa mga residenteng maapektuhan ng demolisyon.

(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)

Tags: ,