Sinalubong ng Philippine contingent sa Haiti si AFP Chief of Staff General Hernando Iriberri kasunod ng isang maliit na salo salo kasama ang filipino community dito.
Pinangunahan naman ni Heneral Iriberri ang wreath laying ceremony para sa apat na Pilipinong sundalo na namatay sa Haiti.
Kabilang sa apat si TSGT Antonio M. Batomalaque ng Philippine Army na napatay sa isang gang encounter noong 2005.
Habang sina SGT Eustacio C. Bermudez Jr. ng Philippine Army,SGT Janice D. Arocena ng Philippine Air Force at DP3 Pearlie T. Panangui ng Philippine Navy naman ay nasawi sa lindol noong taong 2010.
Nagkaroon din ng unveiling ng memorial marker para sa kanila na tinaguriang Fallen Gallant 4.
Ibinida naman ni AFP Cheif of Staff Iriberri ang naging performance ng 19th Philippine contigent sa bansang Haiti
Ikinatuwa naman ng 19th PCH Commander Col. Vincent Incognito ang pagdalaw ni General Iriberri.
(Jensen Sobrejuanite/UNTV NEWS)