Sundalo, kumpirmadong pinugutan ng teroristang grupong Maute sa Lanao del Sur

by Radyo La Verdad | March 3, 2016 (Thursday) | 2181

AFP
Extremist terrorist kung ituring na ng Armed Forces of the Philippines ang armadong grupong Maute na higit isang linggong nakabakbakan ng mga militar sa Butig, Lanao del Sur.

Mariing kinundena ng AFP ang Maute Group dahil sa mga pangingikil, pagpapasabog ng NGCP towers at ang pamumugot ng ulo nito sa isa sa mga sundalo ng Philippine Army sa Lanao del Sur sa kasagsagan ng bakbakan.

“May isa po tayong kasamahan na nadecapitate po at ito po ay isang war atrocity, war crime po ito na inilagay po natin sa ating records at masusi nating dinodocument para maifile natin ang angkop na violations ng grupong ito”. Pahayag ni AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla Jr

Samantala, patuloy ang clearing operations at assessment na ginagawa ng militar sa Butig, Lanao del Sur katulong ang lokal na pamahalaan upang matiyak kung ligtas na bang pabalikin ang mga residenteng pansamantalang lumikas dahil sa mga kaguluhan.

(Rosalie Coz/UNTV NEWS)

Tags: , ,