Nanguna sina businessman Donald Trump para sa Republican Party at former Secretary of State Hillary Clinton para sa Democratic Party Sa Super Tuesday elections ngayong myerkules.
Nakuha ni Clinton ang mga estado ng Alabama, Arkansas, Georgia, Massachusetts, Tennessee, Texas At Virginia. Habang nakuha naman ni Trump ang panalo sa mga estado ng Alabama, Arkansas Georgia, Massachusetts, Tennessee, Vermont at Virginia.
Nakuha naman ni Democratic Senator Bernie Sanders ang homestate nitong Vermont, Colorado, Minnesota at Oklahoma, habang si Republican Senator Ted Cruz ay panalo sa estado ng Texas at Oklahoma at nakuha naman ni Senator Marco Rubio una nitong panalo sa Minnesota.
Bagama’t sa kasaysayan ng American Presidential Primary Elections ay kalimitang nalalaman na ang nagiging pambato ng bawat partido sa general election sa Nobyembre, ngayong taon hindi parin sumusuko ang mga kalaban ng front runners na sina Trump at Clinton at itutuloy ng mga ito ang kampanya hanggang sa huling estado na boboto sa primaries, kahit na naging malaki na ang lamang nila Trump at Clinton.
Malaki ang pagkakaiba ng proseso ng election dito sa America at Pilipinas.
Kung sa Pilipinas ay nanalo ang isang kandidato dahil sa popularity votes, dito sa America ang bawat estado na napapanalunan ng pambato ng isang partido ay nakakakuha ng tinatawag na delegates .
Ang bawat estado sa America ay mayroong bilang ng mga delegado base sa dami ng populasyon nito.
Ngayon Super Tuesday , 595 ang nakataya delegates para sa Republicans habang, 1,015 naman ang sa Democrats.
Ang isang kandidato ay kinakailangan makakuha ng 1,237 delegates upang maging opisyal na kandidato sa pagkapangulo ng bansa para sa Republican Party, habang kailangan naman ng 2,383 delegates ng isang Democratic candidate upang maging standard bearer ng partido sa gaganaping general election sa Amerika sa darating na Nobyembre.
(James Bontuyan/UNTV NEWS)
Tags: businessman Donald Trum, former Secretary of State Hillary Clinton