Anti-Jaywalking campaign ng MMDA, lalong papaigtingin

by Radyo La Verdad | March 3, 2016 (Thursday) | 1752

JAYWALKING
Mas papaigtingin pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang kampanya kontra jaywalking.

Sinabi ni MMDA Anti-Jaywalking Unit head Traffic Inspector Rodolfo Calpito, sa pagpasok ng taong 2016 ay libu-libo na ang kanilang nahuling lumabag sa kanilang kampanya.

Papatawan ng multang P500 ang lalabag o maaaring sumailalim sa community service.

Sa tala ng MMDA, umabot na sa kabuuang 4,189 ang kanilang nahuli mula Disyembre 31, 2015 hanggang Pebrero 24, 2016.

Sa mga nahuli, 11 ang sumailalim sa community service, habang ang 559 ay nagbayad ng multa samantalang ang 3,630 ay hindi pa inaayos ang paglabag.

(UNTV RADIO)