Kongreso, magsisilbing Board of Canvassers sa pagbabalik sesyon sa Mayo; pending bills hindi tiyak kung matatalakay- SP Drilon

by Radyo La Verdad | March 2, 2016 (Wednesday) | 3199

BRYAN_DRILON
Sa May 23 hanggang June 10, 2016 ang pagbabalik sesyon ng kongreso ng 16th Congress at sa mga panahong ito’y magiging abala na ang mga mambabatas.

National Board of Canvassers ang papel ng kongreso matapos ang eleksyon sa May nine.

Muling magsasama ang senado at lower house para sa isang joint session sa batasang pambansa sa Quezon City.

Pinanunganahan ang canvassing of votes ng Senate President at House Speaker.

Ang mga return of election na sinertipikahan ng Board of Canvassers ng mga probisya at lungsod ay itratransfer sa kongreso.

Bubuksan ng Senate President, sa loob ng hindi lalampas sa tatlumpong araw makalipas ang halalan ang lahat ng certificate sa harap ng Senate at House of Representatives na kung tawagin ay joint public session.

Kapag nadetermina na ng kongreso ang authenticy nito ay sisimulan na ang canvassing ng mga boto.

Dahil inaasahang magiging mahaba ang isasagawa canvassing mga boto, sinabi ni Senate President Franklin Drilon na hindi niya matiyak kung matututukan pa ang mga pending bills sa kongreso.

Batay sa datos ng Senado, may apat na panukalang batas ang nakabinbin pa ang bicameral conference committee report para sa ratification.

May pitong bills din ang nakabinbin pa sa BiCam habang may siyamnaput walong panukalang batas ang naipasa pa lang sa third reading ng Senado.

Tanggap naman ng malacanang ang pahayag ni Drilon bagamat maraming priority bills pa ang nakabinbin at dapat na maipasa.

Kabilang dito ang prosposed Bangsamoro Basic Law.

Bukod sa proposed BBL kabilang rin ang Rationalization of Fiscal Incentives at Unified Personnel Reform bill sa dalawamput limang priority bills ng administrasyong Aquino.

Labing lima ang hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin sa kongreso habang ang sampu ay naging batas na.

(Bryan De Paz / UNTV Correspodent)

Tags: , , , ,