Ipinagpatuloy kaninang umaga sa Court Of Tax Appeals ang tax assessment petition na inihain ni Aling Dionisia Pacquiao.
Ito ang unang pagkakataon na dumalo si Aling Dionisia sa pagdinig kaugnay ng isinumiteng tax assessment ng Bureau Of Internal Revenue sa Region 18 laban sa kaniya.
Una nang nagsagawa ng tax assessment ang Bir Region 8 sa taxable year taong 2010 na nagkakahalaga ng tinatayang P1.6 million.
Ang imbestigasyon sa posibleng tax liability ni Aling Dionisia ay simula taong 2013 sa panahong kasagsagan din ng P2.2 billion tax case naman laban kay Boxing Champ Manny Paquiao.
Ayon naman sa kaniyang mga abogado na sina Atty Noel Into at Benjamin Cuanan, wala umanong kinalaman ang kaso ni Manny sa tax assessment ni Aling Dionisia.
ikinagulat umano ni Aling Dionisia ang aksyong ginawa ng BIR Region 18 dahil wala naman umano siyang trabaho, walang pinagkakakitaan at umaasa lamang sa suporta na ibinibigay ng kaniyang mga anak.
Nagsumite siya ng kaniyang petisyon noong april 17 at natanggap ito ng tax court noong May 8.
Nakatakda naman isagawa ang susunod na pagdinig sa Abril na muling dadaluhan ni Aling Dionisia sa court of tax appeals.
(Aiko Miguel / UNTV Radio Correspondent)