Mga guro, nais pa ring magsilbi bilang Board of Election Inspector sa darating na halalan

by Radyo La Verdad | March 2, 2016 (Wednesday) | 1879

VICTOR_BEI
Sinimulan nang sanayin ng Commission on Elections ang mga public school teachers sa buong bansa kung paano i-operate ang mga Vote Counting Machines o VCM na gagamitin sa halalan sa Mayo.

Para sa mga guro mas madaling gamitin ang mga bagong makina kumpara sa mga lumang PCOS machine.

Pagkatapos ng lecture at hands on training sa paggamit ng mga makina dadaan naman sa pagsusulit ng Department of Science and Technology ang mga guro bago sila mabigyan ng certification na kaya nilang i-operate ang mga VCM.

Subalit bukod sa paggamit ng VCM saklaw din ng training ang iba pang trabaho ng Board of Election Inspectors o BEI pagdating sa araw ng eleksyon.

May training video din na inilagay ang COMELEC sa kanilang website upang makapag review ang mga teacher.

Samantala hindi naman nababahala ang Commission on Elections sakaling lagdaan na ng pangulo at maging ganap nang batas ang panukala na gawing boluntaryo ang pagseserbisyo ng mga guro sa halalan.

Kahit naman hindi na maging mandatory ang election duties ng mga guro sa halalan, desidido pa rin ang ilang guro na aming nakausap na umaktong BEI.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: , ,