Armed Forces of the Philippines tiniyak sa mga evacuees sa Butig, Lanao del Sur, ang pagpapaigting at pagpapabilis sa clearing operation sa kanilang lugar

by Radyo La Verdad | March 2, 2016 (Wednesday) | 1905

ARA__PADILLA
Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines sa mga evacuees sa Butig, Lanao del Sur, na pinaiigting at binibilisan nila ang isinasagawang clearing operation sa kanilang lugar upang makabalik na sa kani-kanilang tahanan ang mga residente.

Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla, nagsagawa sila ng consultative meeting sa mga Local Government Officials upang pag-usapan ang pagbalik ng mga residente dito.

Sinabi ni Padilla na unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon lugar at maganda ang nagiging takbo ng clearing operation.

Magsasagawa din ng pagpupulong ang local government officials at barangay upang pagusapan ang security situation sa lugar at ang proseso kung papaano uumpisahan ang pagbabalik ng mga residente sa mga lugar na naapektuhan ng bakbakan.

Samantala ginanap kahapon ang pagtataas ng bandera ng bansa sa mismong kampo na inukuban ng Maute brothers at inilagay sa poder ng local government.

(Ara Mae Dungo / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , ,