DOH, hangad na maging rabies free ang bansa sa taong 2020

by Radyo La Verdad | March 2, 2016 (Wednesday) | 2282

GLADYS_RABIES-FREE
Mahilig ang mga Pilipino na mag-alaga ng iba’t ibang uri ng hayop sa bahay tulad ng aso, pusa at iba pa.

Kaakibat nito ang responsibilidad na rabies free o hindi magdadala ng sakit ang kanilang mga alagang hayop.

Noong nakalipas na taong 2014 at 2015, walo ang naitalang nasawi dahil sa rabies.

Target ng DOH na maging rabies free ang bansa sa taong 2020.

Sa ngayon ay ang siquijor pa lamang ang deklaradong rabies free ng DOH sa Central Visayas.

Hiniling rin ng DOH–Cebu ang tulong ng iba pang government agencies at NGOs para sa information dessimination tungkol sa rabies.

Ang mga hakbang na ito ng DOH-Cebu ay bilang pakiki-isa sa Rabies Awareness Month ngayong taon.

(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)

Tags: , ,