Ito na ang ikatlong pagkakataon na nakasama sa taunang Ani ng Dangal ng National Commission for Culture and the Arts o NCCA ang tinaguriang Superstar ng pelikulang Pilipino na si Nora Aunor.
Ginanap ang parangal sa Samsung Hall sa SM Aura Taguig City lunes ng gabi.
Ang Ani ng Dangal ay nagbibigay pagkilala sa mga naging kontibrusyon ng mga natatanging Pilipino sa iba’t ibang parangal sa buong mundo sa kategoryang arkitektura, sayaw, brodkast, dramatic arts, musika, visual arts at cinema.
Ilan sa kilalang artista na pinarangalan ngayong taon ay sina Cherrie Gil, Aiko Melendez, Allen Dizon, Epy Quizon, Emilio Garcia, LJ Reyes, Sid Lucero at Richard Gomez.
Isa sa mga baguhan at kabataang direktor na pinarangalan ay ang Canada-based director na si Christian Paolo lat sa kanyang obrang peliikula na “red Lights” at “The Waves” na co-produced ng ating kasangbahay at GMK Host na si Riza Muyot.
(Adjes Carreon/UNTV NEWS)
Tags: Ani ng Dangal, National Commission for Culture and the Arts, Superstar Nora Aunor