Mga bagong pamamaraan upang maibsan ang epekto ng climate change, inilunsad ng Philccap

by Radyo La Verdad | March 2, 2016 (Wednesday) | 21738

FARMER
Bilyong-bilyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa bansa ng climate change.

Ang mga malalakas na pagulan, bagyo at tagtuyot ay ilan lamang sa mga nararanasan sa bansa na dulot pagbabago ng klima.

Nalalagay din sa panganib maging ang mga lugar na di naman dating nakararanas ng extreme weather events.

Ayon sa PAGASA, nahaharap pa ang mundo sa patuloy na pagbabago ng kundisyon ng panahon.

Subalit maaari na itong maiwasan sa pamamagitan ng Philippine Climate Change Adoptation Project.

Isang grant ito ng World Bank sa mga ahensya ng pamahalaan kabilang na ang DENR, DOST at Department of Agriculture.

Inumpisahan ito noong 2010 at matatapos na ngayong 2016.

Pinagaralan nila kung paano makaa-adopt ang mga magsasaka sa climate change.

Halimbawa na lamang ay ang panahon ng pagtatanim ng palay at ang uri ng itatamin na binhi.

Mabilis narin ang pagrereles ng insurance sa mga sakahang maaapektuhan dahil sa makabagong teknolohiya.

Pinondohan ang programa ng $4.97M.

Mamamahagi ng manual sa mga lgu na maaaring gamitin ng mga magsasaka.

(Rey Pelayo/UNTV NEWS)

Tags: ,