DepEd, tiniyak na handa sila sa pagpasok ng mahigit isang milyong grade 11 students ngayong taon

by Radyo La Verdad | March 2, 2016 (Wednesday) | 1935

STUDENTS
Tiniyak ng Department of Education na handa ang kagawaran sa mahigit isang milyong grade 11 students na mag-eenrol sa darating na school year.

Ayon kay Department of Education Assistant Secretary Jesus Mateo, 2014 palang nagsimula na silang magpatayo ng mga karagdagang classroom, gumawa ng mga upuan at karagdang mga libro.

Nakapag-hire narin sila ng 40,000 pang guro.

Ang Ramon Magsaysay Cubao High School, nakahanda na para sa papasok na senior high school student.

Sinabi ni School Principal Luis Tagayun, may siyam na silid aralan na silang inilaan na kayang mag-accommodate ng hanggang 300 estudyante sa grade 11.

Karamihan rin sa magihit isang libong grade-10 students sa Ramon Magsaysay Cubao High School ay nagpahayag na lilipat sa ibang eskuweahan sa senior high school.

Ayon sa Department of Education ang K-12 program ay ang programang magbibgay sa mga kabataang Pilipino ng dekalidad na edukasyon makatutulong rin ito sa kanila upang makahanap ng trabaho habang pinaghahandaan ang pagpasok sa kolehiyo,

(Grace Casin/UNTV NEWS)

Tags: ,