Sa statement ng Joint Foreign Commerce Of The Philippines, inihayag ng grupo na krusyal na taon ang 2016 para sa Philippine economy dahil sa idaraos na eleksiyon sa Mayo.
Ayon sa JFCP, ang May election ay pagkakataon sa mahahalal na bagong leader ng bansa na gamiting gabay ang mga nagawa na ng administrasyong Aquino.
Ngunit kailangan rin na bumuo ng long-term plan at mga reporma na magpapalakas sa inclusive growth ng Pilipinas
Upang maisagawa ito, kailangan na maipagpatuloy ang mabuting pamamahala , masidhing pagnanais na makapagsagawa ng structural reforms, infrastructure at pagnenegosyo upang maipagpatuloy ang paglago ng gross domestic product.
Ganito rin ang pananaw ni Dr. Feliece Yeban, ang Vice President for Finance and Administration ng Philippine Normal University
Sa tingin naman ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile, kaya nagkakaproblema ang bansa ay dahil kapag nagbabago ng presidente, ay binabago rin ang nasimulang mga programa ng pamahalaan
Ang Joint Foreign Commerce ay binubuo ng American, Australian-New Zealand, Canadian, European, Japanese, Korean Chambers Of Commerce at Philippine Association of Multinational Companies Regional at Operating Headquarters Incorporated
Itinataguyod ng JCFP ang Mutual Trade at Investment Relations ng Pilipinas sa mga bansa na miyembro nito.
Nasa tatlong libong kumpanya ang kabilang sa pitong JCF member chambers na nagaambag ng malaking puhunan, trabaho at tax revenues sa ekonomiya ng bansa
(Bryan de Paz / UNTV Correspondent)
Tags: Philippine Economy- Joint Foreign Commerce Of The Philippines