METRO MANILA – Umabot sa 19% o 8.7-M ng Adult Labor Force sa Pilipinas ang walang trabaho.
Base ito sa survey ng Social Weather Stations (SWS) noong March 26 – March 29, 2023.
Mas mababa ito kung ikukumpara sa 21.3% noong December 2022.
Pero mas mataas pa rin kumpara noong December 2019, bago magsimula ang pandemya.
Ayon sa SWS ang pagbaba ng joblessness o kawalan ng trabaho ay bunsod ng pagbaba ng unemployment sa lahat ng lugar sa bansa maliban sa Mindanao.
July 2020 nang mag-peak ang unemployment sa bansa na umabot sa 45.5%
Kasagsagan ito ng matinding pananalasa ng COVID-19.
Pagkatapos ay unti-unti na itong bumaba na umabot sa 18.6% noong October 2022.