19 na miyembro ng Maute group patay,13 sundalo, sugatan sa bakbakan sa Butig, Lanao del Sur – AFP

by Radyo La Verdad | November 28, 2016 (Monday) | 1532

bryan_padilla
Naglunsad muli ng opensiba ang militar ngayong araw laban sa Maute group sa Butig, Lanao del Sur.

Bilang resulta, umabot na sa labing siyam ang nasawi sa panig ng bandidong grupo at inaasahang tataas pa ito sa mga susunod na araw.

Samantala, labing tatlong sundalo naman ang nasugatan sa naturang operasyon at kasalukuyang ginagamot.

Ayon sa AFP, nais lamang umano ng Maute group na makuha ang atensyon ng teroristang ISIS tulad ng ginagawa ng Abu Sayyaf.

Samantala, itinanggi ng AFP na may banta ng Maute group sa Metro Manila kasunod ng natagpuang bomba sa Maynila kaninang umaga.

Ayon sa AFP, posibleng ang panggugulo ng Maute group sa Butig, Lanao del Sur ay upang ilihis ang atensyon ng pamahalaan dahil sa pinaigting na opensiba laban sa Abu Sayyaf Group sa Jolo at Basilan.

Nagpapasalamat ang AFP sa patuloy na pakikipagtulungan ng local government units at mamamayan sa Butig upang matukoy ang kinaroroonan ng Maute group.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,