Ipinag-utos ni Central Luzon Regional Director Police Chief Supt. Aaron Aquino na alisin sa puwesto ang labing siyam na miyembro ng intelligence unit ng Angeles City Police Office.
Sinasabing kasabwat ang ito ng pitong pulis na kinasuhan kaugnay ng robbery at extortion sa tatlong Korean national noong Disyembre 2016.
Sa labing siyam, dalawa ang opisyal ng intelligence unit habang labimpito naman ang non-commissioned police officer.
Lumabas rin sa imbestigasyon ng regional police na hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot sa katiwalian ang mga nasabing pulis
Ayon kay Supt. Aquino, mismong ang mga akusadong pulis na ang nagtuturo sa mga kasabwat nilang pulis.
Samantala, nakauwi na sa South Korea ang isa sa tatlong Koreano na si Lee Ki Hoon na nabiktima ng robbery extortion ng pitong pulis.
Umaasa ang PNP Angeles City na patuloy na makikipag-tulungan ang Koreano para mapabilis na malutas ang kaso ng katiwalian sa kanilang hanay.
(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)
Tags: 19 miyembro ng intelligence unit ng Angeles City Police, tinanggal sa puwesto kaugnay ng robbery-extortion case sa 3 Korean nationals