Labing siyam na minero ang na-trap sa minahan matapos ang isang pagsabog noong Miyerkules sa Hegang city sa China.
Mahigit sa limampu ang nagta-trabaho sa minahan at ayon sa mga rescuers maliit na lamang ang tsansa na makaligtas ang labingsiyam na minero na nasa loob ng coal mine.
Ito ay sa dahilang pinataas hanggang sa one thousand degrees celsius ang init sa ilalim ng sunog na nilikha ng pagsabog at hindi rin makasingaw ang carbon monoxide.
Ayon sa paunang imbestigasyon ang sunog sa underground ng minahan ay sanhi ng gas explosion.