Dinumog ng libu-libong tao ang punong puno ng ilaw, naggagandahan, makukulay at nagniningning na mga karusa sa ginanap na La Union Grand Electric Float Parade 2016 sa Bacnotan, La Union.
Dalawangpung karusa ang sumali sa parada na mula sa labingsiyam na bayan at isang syudad ng La Union.
Ang mga karusa ay gawa sa iba’t ibang disensyo ng mga produkto na pagkakakilanlan ng mga bayan at syudad ng La Union.
Ilan sa mga karusa ay gawa sa dried fish o pindang na mula sa bayan ng Sto.Tomas, malaking peacock na gawa sa tiger grass na ginagawang walis na mula naman sa bayan ng Burgos.
Karusa na may malaking mais na mula sa bayan ng Tubao dahil sa ipinakikilalang nilang produkto na mais.
Samantala agaw pansin din ang kakaibang disenyo ng mga damit ng mga kandidata ng Mutia Ti La Union na sakay ng mga karusa.
Gaya ng suot kandidata na mula sa Sto. Tomas La Union bukod sa ang karusa nya ay napapalamutian ng dried fish ay pati ang suot nito na modernized Filipiniana ay gawa din sa ‘pindang’ o pinatuyong isda.
At di rin pahuhuli ang kandidata ng Tubao La Union ang suot naman nya na costume ay tinawag na Ilokana kimona na tumitimbang ng tatlongpung kilo ng materyales na mula sa pinatuyong dahon ng tabako.
Ang La Union Grand Electric Float Parade ay taunang isinasagawa sa iba’t ibang bayan ng La Union at bahagi ito ng selabrasyon ng La Union Founding Anniversary.
(Toto Fabros/UNTV NEWS)