Isang sapatos na nag-aadjust sa size ng paa ang nilikha ng isang organisasyon sa layong makatulong sa mga mahihirap sa developing countries.
Naniniwala ang nonprofit organization na “Because International” na sa pamamagitan nito ay mababawasan ang mga batang walang panyapak dahil walang pambili ng sapatos taon-taon.
Tinatawag na “shoe that grows” ang sapatos na ito na kayang lumaki sa iba’t-ibang sizes.
Ang sapatos ay available sa size na small para sa mga kindergarten hanggang fourth graders at large para sa 5th hanggang 9th graders.
Ang straps at buckles ng sapatos ang tumutulong sa pag-increase nito hanggang limang sizes.
Matibay ang materyales na gamit kaya’t kaya nitong tumagal ng hanggang limang taon.
Ang bawat pares ay mabibili sa halagang 12 U-S dollars hanggang 30 U-S dollars o nasa mahigit limang daan hanggang mahigit isang libong piso.
Ang bumibili ay binibigyan ng option na ipadala ang isang pares o package ng sapatos sa mga mahihirap na bansa.
(UNTV RADIO)