Kauna-unahang World Humanitarian Summit, isasagawa sa Mayo

by Radyo La Verdad | March 1, 2016 (Tuesday) | 1193

Asec.-Jesus-domingo
Iba’t ibang problema ang kinahaharap ng mundo ngayon.

Ang gulo sa Middle East at ang iba’t ibang natural disasters na dulot ng climate change.

Dahil sa mga krisis na ito, isasagawa ng United Nations ngayong taon ang kauna-unahang World Humanitarian Summit sa Istanbul Turkey sa Mayo.

Dadaluhan ito ng iba’t ibang humanitarian aid stakeholders tulad ng mga pamahalaan, non government organizations, at pribadong sektor.

Paliwanag ng DFA, ang WHS ay inisyatiba ng uN Secretary General Banki Moon na layong gawin angkop ang humanitarian aid system ng mundo sa mga pagsubok o krisis na maari pang dumating sa kinahaharap.

Nagdesisyon magsagawa ng naturang summit ang UN matapos ang isinagawang symposium ng malta sa Switzerland tungkol sa tungkulin ng mga Faith Based Organization pagdating sa humanitarian aid.

Ang bansang Malta at Pilipinas ay ilan lang sa bansa na naging parte sa paghahanda para sa naturang summit.

Isa sa paghahanda ng Pilipinas ay pagkikipag dayalogo sa mga Faith Based Organization tulad ng mga christian at muslim group upang makakalap ng kanilang ideya o insights pagdating sa humanitarian aid.

Paliwanag ng DFA, nakikitang may malaking impluwensya at tulong na maibibigay ng mga Faith Based Organization pagdating sa humanitarian aid.

Sa naturang summit inaasahanang paglalabas ng isang agenda ukol sa ilang responsibilidad na kailangang pagtuunan ng pansin ng mga bansa. Kabilang na nga dito ang pagkakaroon ng mas maayos na political leadership sa pagresolba ng mga kaguluhan, at ang sapat na financial at logistical resources para sa mga indibidwal na apektado ng mga krisis.

Inaasahan naman na dadalo sa naturang summit ang ilang kinatawan ng DFA, Dept. of National Defense, DSWD, at Department of Finance.

(Darlene Basingan/UNTV NEWS)

Tags: