Prosekusyon, tapos nang magprisinta ng ebidensya sa kasong graft laban kina dating Pang. Gloria Arroyo at iba pang akusado sa NBN ZTE deal

by Radyo La Verdad | March 1, 2016 (Tuesday) | 2211

sandiganbayan
Ipinagpaliban muna ng Sandiganbayan 4th Division ang paglilitis sa kasong graft laban kay dating Pres. Gloria Arroyo at iba pang akusado kaugnay ng maanonamalyang NBN-ZTE deal.

Binigyan pa ng Korte ng tatlumpung araw ang kampo ni Arroyo upang maghain ng comment sa ipinasang formal offer of evidence ng prosekusyon.

Tapos ng iprisinta ng prosekusyon ang kanilang mga ebidensya at testigo na magpapatunay sa alegasyong nagkaroon ng sabwatan sa pagitan nila Arroyo at ibang akusado upang maapruba ang National Broadband Project sa kumpanyang Zhong Jing Telecommunications Equipment o ZTE noong 2007.

Ang nasabing proyekto na nagkakahalga ng 130 million US dollars lang, ay naaprubahan umano sa overpriced amount na 329 million dollars.

Kabilang sa mga kapwa akusado ni Arroyo ang kanyang asawa at dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo at dating Comelec Chairman Benjamin Abalos na umano’y ginamit ang kanilang pusisyon at implumensya upang maapruba ang proyekto.

Sa ngayon ay pagaaralan na ng korte kung iaadmit bilang ebidensya ang mga iprinisinta ng prosekusyon.

Ayon sa abogado ni Ginang Arroyo na si Atty Laurence Arroyo, kumpiyansa silang walang matibay na ebidensya laban sa kanila.

Kung sakali na hindi iadmit ng korte ang mga ebidensya ng prosekusyon, maghahain sila ng mosyon upang idismiss na ang kaso.

Kung ipagpatuloy naman ang kaso, handa silang magprisinta ng sariling mga testigo upang mapawalang sala si Ginang Arroyo.

Kasalukuyang nakahospital arrest si Ginang Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City dahil naman sa kasong plunder kaugnay ng maanomalyang paggamit ng pondo ng PCSO noong presidente pa siya ng bansa.

Hindi muna ipinagpatuloy ng Sandiganbayan ang paglilitis sa bisa ng temporary restraining order na inilabas ng Korte Suprema.

(Joyce Balancio/UNTV NEWS)

Tags: ,

Prosekusyon, nanindigang may matibay na ebidenysa laban kay Pampanga Rep. Gloria Arroyo kaugnay ng NBN-ZTE deal

by Radyo La Verdad | June 17, 2016 (Friday) | 10345

UNTV__image__062812__GLoria-Macapagal-Arroyo1
Matibay ang ebidensyang iprinisinta laban kay dating president at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo sa kasong graft kaugnay ng NBN-ZTE deal.

Kaya naman ayon sa prosekusyon, hindi dapat madismiss ang kaso niya sa Sandiganbayan 4th division.

Ito ay kasunod ng paghahain ni Arroyo ng motion for leave to file demurrer to evidence kung saan hinihiling nito na idismiss na korte ang kaso.

Ayon kay Arroyo, hindi napatunayan ng prosekusyon na may naging interes o nakinabang siya sa NBN-ZTE deal.

Hindi rin umano naging disadvantageous ang proyekto sa pamahalaan.

Ngunit sa comment ng prosekusyon, sinabi nitong malaki ang nilugi ng gobyerno sa proyekto dahil overpriced ang kontrata.

Ang orihinal na halaga ng broadbrand project ay 130 million US dollars, ngunit inapruba ito sa final price na 329 million US dollars.

Ayon pa sa prosekusyon, halatang pinaboran nila Arroyo ang kumpanyang ZTE sa kabila ng mas maganda sanang service offer ng kalaban na bidder.

30% lang kasi ng bansa ang maaabot ng broadband project ng ZTE kumpara sa kalaban nito na bidder na Amsterdam Holding Inc. na kayang abutin ang 80% sa mas murang halaga.

Di rin aniya maikakaila na may personal monetary interest sina Arroyo dahil pumayag siya sa alok ni dating COMELEC Chair Benjamin Abalos na makipagkita sa ZTE officials at magtanghalian sa opisina nila sa China.

Sa ngayon, narinig na ng korte dalawang panig at dedesisyunan na nito kung sapat ba na merito ang kaso upang i-convict si Arroyo.

Maliban sa graft case na ito, nahaharap din siya sa plunder case kaugnay naman ng maanomalyang paggamit ng pondo ng PCSO.

Inakyat na nila Arroyo sa Korte Suprema ang kaso at inaabangan na rin ang desisyon nito.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,

Dating Pres. Gloria Arroyo, humihiling na makapagdiwang ng kaarawan sa bahay sa Quezon City

by Radyo La Verdad | March 14, 2016 (Monday) | 3221

ARA_ARROYO
Humihiling si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Arroyo sa Korte Suprema na payagan siyang makauwi sa kanyang bahay sa La Vista sa Quezon City upang doon ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

Sa inihaing mosyon, nais ni Arroyo na makalabas ng Veterans Memorial Medical Center at manatili sa kanyang tahanan mula April 3 hanggang April 7.

Bukod sa kanyang hindi bumubuting kalusugan, sinabi ng dating pangulo na nais niyang makapiling ang kanyang pamilya sa araw ng kanyang kapanganakan.

2012 pa nang ma-hospital arrest si Arroyo dahil sa kasong plunder kaugnay ng maanomalyang paggamit sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO noong presidente pa siya ng bansa.

Nakabinbin pa ang kaso ni Arroyo sa Sandiganbayan dahil sa status quo ante order mula sa Korte Suprema.

Tags: , ,

Prosekusyon, tapos nang magprisinta ng ebidensya sa kasong graft laban kay Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang akusado sa NBN-ZTE deal

by Radyo La Verdad | February 29, 2016 (Monday) | 3239

JOYCE_SANDIGANBAYAN
Ipinagpaliban ng Sandiganbayan 4th division ang paglilitis sa kasong graft laban kay Congresswoman Gloria Arroyo at iba pang akusado kaugnay ng maanonamlyang NBN-ZTE deal.

Ito’y matapos bigyan ng korte ng tatlumpung araw ang kampo nila arroyo upang maghain ng kumento sa ipinasang formal offer of evidence ng prosekusyon.

Tapos na kasi iprisinta ng prosekusyon ang kanilang mga ebidensya at testigo na magpapatunay aniya sa alegasyong nagkaroon ng sabwatan sa pagitan nila Arroyo at ibang akusado upang maapruba ang National Broadband Project sa kumpanyang Zhong Jing Telecommunications Equipment o ZTE noong 2007.

Ang nasabing proyekto na nagkakahalga ng 130 million US dollars, ay naapruba sa overpriced amount na 329 million dollars.

Kabilang sa mga kapwa akusado ni arroyo ang kanyang asawa at dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo at dating COMELEC Chairman Benjamin Abalos na umano’y ginamit ang kanilang posisyon at impluwensya upang maapruba ang proyekto.

Sa ngayon ay pagaaralan na ng korte kung iaadmit bilang ebidensya ang mga iprinisinta ng prosekusyon.

Ayon sa abogado ni Ginang Arroyo na si Atty. Laurence Arroyo, kumpiyansa silang walang matibay na ebidensya laban sa kanila.

Kung sakali din aniya na hindi iadmit ng korte ang mga ebidensya ng prosekusyon, maghahain sila ng mosyon para idismiss ang kaso.

Kung sakali mang ipagpatuloy pa rin ang kaso, handa rin aniya silang magprisinta ng sariling mga testigo upang mapawalang sala si Ginang Arroyo.

Kasalukuyang nakahospital arrest si Ginang Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City dahil naman sa kasong plunder kaugnay ng maanomalyang paggamit ng pondo ng PCSO noong presidente pa siya ng bansa.

Hindi muna ipinagpatuloy ng Sandiganbayan ang paglilitis sa bisa ng Temporary Restraining Order na inilabas ng Korte Suprema.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,

More News