Pagkakaroon ng batas kaugnay sa blood money para sa OFW na nasa death row, posibleng magkaproblema- DFA

by Radyo La Verdad | February 29, 2016 (Monday) | 4786

OFW
Hindi sang-ayon ang Department of Foreign Affairs na magkaroon ng batas kaugnay sa blood money.

Ito ang sinabi ni DFA Undersecretary Rafael Seguis kaugnay sa pagdinig ng Senado sa blood money ng OFW na nasa death row.

Nilinaw ng DFA na ang mga donor pa rin na private sector ang magdedesisyon kung saan nila gustong dalhin ang naiambag na blood money

Ayon sa DFA, unang pagkakataon na kinulang ng blood money sa OFW na si Joselito Zapanta.

Si Zapanta ay hiningan ng blood money ng pamilya ng nabiktima nito na nasa 48 million pesos, ngunit 23 million pesos lang ang nalikom

Sinabi ni Senador Cynthia Villar sana ay magkaroon ng maayos na guidelines ang DFA, DOLE, POEA at OWWA ukol sa blood money.

Batay sa datos ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, maliit na posyento lang naman ng malaking bahagi ng OFW ang nagkakaproblema kayat madali itong dapat natutulungan ng gobyerno.

(Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: , , ,