Susunod na Pangulo ng bansa, dapat pagaralang mabuti ang isyu sa heroes burial ni dating Pres. Ferdinand Marcos- Malacanan

by Radyo La Verdad | February 29, 2016 (Monday) | 4338

PNOY
Nananatili ang posisyon ni Pangulong Aquino kaugnay ng hindi pagpayag sa heroes burial ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay Presidential Communication Operations Office Secretary Sonny Coloma, ang desisyon na ito ng pangulo ay base sa paniniwala niyang dapat manaig ang hustisya.

Si dating Pangulong Marcos ay hindi anya humingi ng paumanhin sa nangyaring karahasan sa ilalim ng martial law.

Dagdag ni Coloma, kung ang susunod na Pangulo ng bansa ay hindi naniniwala sa prinsipyong ito ni Pangulong Aquino at magdesisyon na payagan na ilibing sa libingan ng mga bayani si Marcos ay nararapat na maipaliwanag itong mabuti sa mamamayan.

Lumabas muli ang usapin ng heroes burial ni dating Pangulong Marcos matapos ang ginawang paglilipat ngayong araw sa labi ni dating Elpidio Quirino sa libingan ng mga bayani.

(UNTV NEWS)

Tags: , ,