Mga namamatay na hayop sa newcastle disease, umabot na sa 500k – DA

by Radyo La Verdad | February 29, 2016 (Monday) | 3456

MANOK
Nakatutok pa rin ngayon ang Agriculture Department sa pag-control sa newcastle disease lalo na sa Central Luzon kung saan may pinakamaraming naitalang kaso nito.

Sa datos ng kagawaran, nasa 500,000 na ang tinamaan ng sakit sa Luzon mula Nobyembre hanggang ngayong buwan kung saan nangunguna ang Nueva Ecija na umabot na sa 164k ang namamatay na manok.

Sa ganitong season ay dati nang nagkararanas ang ganitong sakit ng mga bird livestock sa bansa subalit mas marami ang tinamaan ngayon.

Ayon sa kagawaran, isa sa dahilan sa mabilis na pagkalat ng newcastle disease ay ang pagbibyahe ng mga panabong na manok.

Sa kabila nito ay sapat naman ang supply ng manok sa bansa.

Nagsasagawa naman ng mga pagbabakuna sa mga lugar na laganap ang sakit.

Naglaan din ng P7M na budget ang pamahalaan upang makontrol ang pagkalat nito.

(Rey Pelayo/UNTV News)

Tags: ,