14 na biktima ng iba’t ibang insidente sa selebrasyon ng Panagbenga festival 2016 sa Baguio City tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | February 29, 2016 (Monday) | 1826

TMBB-BAGUIO-CITY
Umabot sa 14 ang natulungan ng UNTV News and Rescue Team sa pagdiriwang ng Panagbenga festival.

Binigyan ng pang unang lunas ng grupo si Lolo Benito Innaliap matapos na tumama ang mukha dahil sa pagkatumba habang nag ja-jogging sa Athletic Bowl sa Baguio City kahapon.

Matapos mabigyan ng first aid ang sugat sa kanang bahagi ng itaas ng kilay ay inihatid na si Lolo Benito sa ospital.

Siyam naman ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team katuwang ang City Disaster Risk Reduction Management Office sa kasagsagan ng grand street dance parade kahapon.

Karamihan sa mga ito ay nakaranas ng pagkahilo, nahihirapang huminga at pinupulikat.

Tatlo naman ang natulungan ng grupo matapos mahilo habang isinasagawa ang grand float parade.

Umabot naman sa apat naput siyam ang nagpa check ng kanilang blood pressure sa UNTV News and Rescue booth na naka pwesto sa pinagdausan ng float parade ng Panagbenga sa Baguio City kahapon.

(Grace Doctolero/UNTV NEWS)

Tags: ,