Labi ni dating Pangulong Elpidio Quirino, Inilipat na sa Libingan ng mga Bayani

by Radyo La Verdad | February 29, 2016 (Monday) | 3191

photo-copyright
Ngayong araw na ito ay ang ika-60 anibersaryo ng pagkamatay ni dating Pangulong Elpidio Quirino.

At sa araw ding ito inilipat na ang kanyang mga labi sa Libingan ng mga Bayani.

Alas-9 kanina nang kunin ang labi nito sa Manila South Cemetery kung saan ito nakalibing ng mahabang panahon.

Pinangunahan ng National Historical Commission of the Philippines at mga kaanak ng dating Pangulong Quirino ang paglilipat ng labi mula sa Manila South Cemetery

Nagsasagawa rin ng funeral motorcade nagbigay pugay rin ang ilang mga estudyante, guro at mga sundalo habang dumadaan ang funeral motorcade.

Pagdating nito sa libingan ng mga bayani doon na pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang paglilipat ng kanyang libingan.

Binigyan rin si Quirino ng full military honors

Personal na hiniling ng mga kaanak ni dating Pangulong Quirino ang paglilipat sa kanyang mga labi bilang pagkilala sa mga naiambag nito sa bansa.

Si Quirino ay nahalal bilang bise presidente noong 1946 subalit nang mamatay si dating Pangulong Manuel Roxas siya ang humalili bilang ika-6 na presidente ng Pilipinas sa edad na 66.

Kabilang sa mga naisabatas sa ilalim ng kanyang panunungkulan ay ang:

• Republic act 602 o ang Minimum Wage Law
• Repiblic act 312 o ang Standardized Teacher’s Salary
• Pagbuo ng Social Security System at Central Bank of the Philippines
• At siya rin ang precursor ng Association of the South East Asian Nation o ASEAN.

Si Quirino ay natalo sa kanyang pagtakbo sa ikalawang termino laban kay dating Pangulong Ramon Magsaysay, at namatay dahil sa sakit sa puso.

Maliban kay Quirino nakalibing rin sa Libingan ng mga Bayani ang mga dating presidente ng Pilipinas na sila Carlos P. Garcia at Diosdado Macapagal.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: ,