Ipinakita ng Commission on Elections sa mga estudyante ng isang pamantasan sa Maynila ang kakayahan ng Vote Counting Machines o VCM na gagamitin sa halalan sa Mayo.
Sa demo ipinakita ang kakayahan ng makina na mag imprenta ng resibo at ang onscreen verification.
Isang panibagong petisyon naman ang inihain ngayon sa Supreme Court ng PDP-Laban upang utusan ang Commission on Elections na gamitin o i-activate ang security features ng Vote Counting Machines partikular ang voter’s receipt o Voter Verified Paper Audit Trail.
Ayon kay Atty. Ted Contacto, mahalagang magisyu ng resibo ang mga makinang gagamitin sa halalan upang matiyak na valid ang boto at nabilang ito ng tama.
Hindi aniya katanggap tanggap anoman ang idahilan ng COMELEC dahil malinaw sa automated elections law dapat may safety features ang mga Vote Counting Machine at isa na rito ang pag iisyu ng voter’s receipt.
Naghain na rin ng kapaherong petisyon sa Supreme Court si dating Senador Dick Gordon.
Una nang sinabi ng Commission on Elections na hindi gagamitin ang feature ng VCM na mag imprenta ng resibo dahil sa pangambang magamit ito sa vote buying at magpapatagal ang botohan.
Patuloy namang pinag-aaralan ng COMELEC kung pagaganahin ang onscreen verification feature ng VCM kung saan makikita sa monitor kung paano binasa ng makina ang boto sa balota ng botante.
(Victor Cosare / UNTV Correspondent)
Tags: COMELEC, isang pamantasan, Maynila, vote counting machines