“Sa mga nagpa plano na i-falsify ang inyong mga records at mag submit ng mga falsified documents, wag nyo nang gawin mahuhuli at mahuhuli kayo. “ – PNP Police Chief Marquez
Ito ang babala ni Philippine National Police Chief Police Director General Ricardo Marquez sa mga pulis na nagsusumite ng mga pekeng dokumento.
Ayon sa heneral, maaaring kasuhan at matanggal sa serbisyo ang mga pulis na nandaya sa mga isinumiteng requirements sa PNP.
Ang reaksyon ng heneral ay bunsod ng 21 pulis sa Region 3 na nahuling nagsumite ng pekeng civil service eligibility.
Pinakamarami ay mula sa Nueva Ecija, Bulacan at Olongapo City.
Sinabi ni gen. Marquez, sa kasalukuyan ay dire-diretso ang ginawagang imbestigasyong ng pamunuan ng PNP Region 3 kayat tumanggi muna siyang pangalanan ang mga sangkot.
(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)
Tags: Mga pulis, Pamunuan, pekeng requirements, PNP