Kauna-unahang World Humanitarian Summit, isasagawa sa Mayo

by Radyo La Verdad | February 29, 2016 (Monday) | 2549

DARLENE_SUMMIT
Isasagawa ngayong taon ang kauna unahang World Humanitarian Summit o WHS sa pangunguna ni United Nations Secretary General Banki Moon.

Sa Istanbul Turkey gaganapin ang WHS sa Mayo at dadaluhan ito ng iba’t ibang humanitaruan aid stakeholders tulad ng mga pamahalaan, non government organizations, at pribadong sektor.

Layon ng naturang summit na magbigay tugong sa iba’t ibang natural at man made humanitarian crisis na kinahaharap ng mundo ngayon.

Ang bansang Malta at Pilipinas ay ilan lang sa mga naatasang maging parte ng paghahanda para sa naturang summit.

Isa nga sa isinagawa nang paghahanda ng Pilipinas ay pagkikipag dialogue sa mga faith based organizations tulad ng mga Christian at Muslim groups.

Paliwanag ng DFA, nakikita nilang malaki ang impluwensya at tulong na maibibigay ng mga faith based organizations pagdating sa humanitarian aid.

(Darlene Basingan / UNTV Correspondent)

Tags: ,